“Agape”

I.
Sa lahat ng storya ito ang aking paborito,
Kahit kailan ‘di matutumbasan ang ginawa Mo.
Balikan natin ang kwento ng pag-ibig na ito,
Balik-tanaw sa ginawa Mo sa Krus ng Kalbaryo.

II.
Ako’y napawalang-sala,
Sa kasalana’y ako’y Iyong pinalaya.
Pinahirapan at inalipusta Ka nang lubos,
Buhay ko’y binayaran Mo’t tinubos.

 

III.

Lahat ng kutya Iyong tinaggap,
Nakamit ko ang kaligtasang aking pinangarap.
Hindi man ako karapatdapat,
Ngunit Ika’y laging nariyan – laging tapat.

 

 

 

 

IV.
Sa lahat ng kwento ng pag-ibig,
Ang Sayo’t sa aki’y walang hihigit.
Walang kapantay pagmamahal Mong inalay,
Mula sa dilim ako’y inabot Mo ng Iyong kamay.

 

 

 

V.
O Ama paano ko ba masusuklian?
Kahit anong gawin – pag-ibig Mo sa aki’y ‘di mapantayan.
Salamat ang aking tanging masasabi,

‘Pagkat ako’y minahal Mo ng totoo – kasalanan ko’y isinantabi.

 

 

VI.
Sino ba ako para sagipin Mo?
Isa akong madumi’t makasalanang tao.
Inibig Mo ako ng walang kondisyon,
Maraming salamat, aking Panginoon!

“Agape”