*This poem was originally written in Tagalog, the Filipino Dialect. An English Translation is also provided below.
Wala na, Finish na. Yan ang sabi nila.
Wala na, Finish na. “Wala ka nang pag-asa.”
Wala na, Finish na. “Anong silbi mo pa.”
Wala na, Finish na. “Bakit magpapatuloy pa?”
Ito ang mga salitang paulit ulit kong naririnig.
Sa mundong ang nais sa kanya ako’y mapalapit.
Hindi na naman dapat daw magpumilit
Kung nararamdaman ko lang nama’y puro sakit.
Wala na, Finish na. Tumigil na daw ako.
Dahil kahit anong pilit ko Di na daw ako magbabago.
Ako, na likas na siraulo May papatunguhan pa ba ang buhay ko?
Wala na, finish na nga siguro ako
Wala nang pag-asa Kahit anong gawin ko.
Ayoko na! Suko na ko! Sa huli naman alam ko nang resulta nito.
Ang resulta nito ay kamatayan, At dun sa aking hantungan
Tingin ko naman ay may kapayapaan.
Pero teka, tama ba ako?
O pandaraya lamang ito ng puso ko?
Talaga bang may kapayapaan ako…
Kung ako’y namuhay na makamundo?
Habang akin itong iniisip.
May isang malambing na tinig akong narinig.
Ang sabi niya’y… Advance daw siyang mag-isip.
Kaya sa kanya ako’y nakinig
Advance daw syang mag-isip kaya pinili niya na ako
Bago pa man likhain ang mundo.
Ang pangalan niya ay Jesu-Kristo
At sa kanya ko daw malalaman ang silbi ko.
Wala na, Finish na. Yan din ang sabi niya.
Hindi ang buhay ko kundi ang mga kasalanan ko.
Mga kasalanan ko…
Na tinapos na niya sa Krus ng kalbaryo.
Wala na, Finish na yan ang sinabi niya
Bago siya umakyat patungo sa Ama.
Isang deklerasyon… nang aking kalayaan
Kalayaan… mula sa kasalanang nagpalayo sa akin sa Kanya.
Sa Kanya.. na kung saan ko makikita’t madarama
Ang tunay, ang tunay na pag-asa
Ang Pag-asa na buong akala kong sa mundo ko makukuha.
Wala na, Finish na tatapusin ko na ito
Hindi ang buhay ko kundi ang kadramahang ito.
Dahil nang makilala ko, makilala ko si Kristo
Nakita’t nalaman ko ang tunay na halaga ko..
Ang halaga ko ay wala sa mundo
Kundi nandoon sa Krus ng kalbaryo.
Sa Krus ng kalbaryo… kung saan siya nagdusa
Upang bigyan tayong lahat ng pag-asa
Pag-asa na di natin makikita
Kahit saan pa man tayo magpunta.
Siya ang daan, buhay at katotohanan.
So sabi niya sa akin… san kapa?
San ka pa magtitiwala?
Sa mundong ito o sa Kanya?
Ako’y nag-isip at agad kong napagtanto
Na walang permanente sa mundong ito.
Lahat ay lilipas at bibiguin ako.
Pero kay Kristo sigurado ako.
Sigurado ako dahil siyang lumikha sa akin
At nag-alay nang buhay kahit di ako deserving.
Wala na, Finish ka na Taning!
Dahil ang Panginoon ko’y naging magiting.
Salamat Panginoon, Advance kang mag-isip.
Dahil kung hindi malamang aking masasambit
Sa oras na humarap ako sa iyong trono.
Wala na, Finish na. Sa impyerno na ako.
==========================================================
English Translation:
It is done, it is finished. That’s what they said.
It is done, it is finished. “You have no hope yet.”
It is done, it is finished. “What’s your point?”
It is done, it is finished. “Why continue?”
These are the words I’ve been hearing over again,
In this world where I want to be closer to Him
No need to persist,
If I always feel hurt.
It is done, it is finished. They asked me to stop.
Because no matter what I do, they say I will never change
I, a natural fool, will there still be hope for my life?
It is done, maybe I’m really done
There is no hope no matter what I do
I don’t want it anymore! I give up! In the end, I know the result.
The result is death, and there is my destiny
I think I have peace.
But wait, am I right?
Or is it just a trick of my heart?
Do I really have peace?
If I lived my life on worldly things
As I was thinking about it
I heard a sweet voice
He says, He knows what is ahead
So I listened to Him
He knows what is ahead, and therefore chose me
Before the creation of the world
His name is Jesus Christ
And through Him I will know my purpose.
It is done, it is finished. That is what He also said.
Not my life but my sins.
My sins…
He has already finished it at the Cross of Calvary.
It is done, it is finished. That is what He also said.
Before he ascended to the Father.
A declaration…. my freedom
Freedom from the sin that separates me from Him.
To Him where I can see and feel
The true hope
The Hope that I thought I will have in this world.
It is done, I will finish this!
Not my life but this drama of mine.
Because when I knew, I knew Christ
I found out my true value
My value is not in this world
But there, there in His Cross at Calvary.
At the Cross of Calvary where he suffered
To give us all hope
Hope that we can never see
No matter where we go
He is the way, the truth and the life
So He said to me… To whom?
To whom will you trust?
In this world or in Him?
I wonder and immediately realized
That is no permanent thing in this world.
Everything will pass by and will fail me.
In Christ, I am sure.
I am sure because He created me
He offered His life even if I do not deserve it.
It is done, it is finished!
Because my Lord is valiant.
Thank you Lord for my Salvation
Had I not accepted you,
By the time I come to your throne.
It is done, it is finished! In hell I am.